Zephanie, Nakatakdang Magrekord Ng Kanta Sa Ilalim Ng Label Nina Taylor Swift at Ariana Grande!

Martes, Pebrero 7, 2023

/ by Lovely


Talagang naglevel up na ang Kapuso singer na si Zephanie Dimaranan matapos mapabilang kamakailan sa international record label na Republic Records na siyang kinabibilangan ng international singers na sina Taylor Swift at Ariana Grande.

Bukod kay Zeph, winelcome din ng record label ang mga local artists at kapwa Cornerstone talents na sina Catriona Gray, Inigo Pascual, at Richard Poon.

Para kay Zephanie isa itong malaking opportunity para sa kanya.

“Malaking tulong po ito para sa career ko na may mga kasama po ako na mga tao na tutulungan akong mag-share ng talent ko and makapag- inspire ng mga tao,” pahayag ni Zephanie sa isang panayam.

Ang balitang ito ay masaya ring ibinahagi ni Zephanie sa kanyang mga followers sa Instagram.

“Grateful to be doing what I love.. and now with my new family @republicrecordsph, ✨” caption ni Zephanie sa kanyang Instagram post.

Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati mula sa mga tagahanga at kapwa celebrity ng singer.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo