Rendon Labador, Muling Inokray si Donnalyn Bartolome Muling Tinawag na Tanga!

Martes, Pebrero 7, 2023

/ by Lovely


Muli na namang bumanat ang social media personality at motivational speaker na si Rendon Labador laban sa isa pang social  media influencer na si Donnalyn Bartolome.

Matatandaan na muling naging laman ng usapin online si Donnalyn matapos ang tila sablay niyang pahayag hinggil sa isang babae na inaatake ng insecurities matapos manganak.

Bagama't tila pinapalakas ni Donnalyn ang loob ng nasabing babae, hindi naman nagustuhan ng ilan ang mga binitawan niyang salita.

“Mommy isipin mo na lang binuntis ka… sobrang ganda mo siguro. Ako walang bumubuntis.. parang talo mo ko sa ganda wag ka na ma-insecure diyan ha… I’m sure maganda ka, smile ka na…” sagot ni Donnalyn sa nasabing commenter.

Ibinahagi pa niya ito sa kanyang Facebook post kalakip ang caption na, maganda talaga pag binuntis.

Samantala ayon kay Rendon Labador, sana ay buntisin si Donnalyn ng isang lalaking may utak upang malunasan ang pagiging bobo nito.

“To be fair, hindi naman offensive ang statement niya. Sadyang tanga lang talaga si Donnalyn. Ako na po ang kusang loob na makiki-usap na intindihin na lang natin siya. Kawawa yung tao kasi hindi niya alam kung saan siya nagkamali. #PrayForDonnalyn,” paglilinaw naman ni Rendon Labador.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo