Ivana Alawi, Nagsampa Ng Kasong Estafa; Nawalan Ng P4.8 Million, Sino ang Estafador?

Martes, Pebrero 7, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ng sexy actress na si Ivana Alawi sa kanyang Instagram story ang pagpunta niya sa Hall of Justice sa Taguig City. 

Sa isang panayam sa kanya, isiniwalat niyang magsasampa siya ng kaso laban sa aniya'y nangbiktima sa kanya sa halagang 4.8 million pesos. 

Sinampahan niya ng kasong estafa ang aniya'y manufacturer. Sa video na binahagi ng Abante, makikita ang aktwal na pagsasampa niya ng kaso.

Nagbigay pa ng payo at tila babala si Ivana Alawi sa mga netizens na palaging maging mapagmatyag at huwag kaagad magtitiwala sa kung sino-sino.

Agad namang bumuhos ang mga mensahe para kay Ivana.

"Yes mag ingat talaga. Kahit saan nagkalat na Sila. Nakasuot ng magarang damit. Naka iphone at Minsan naka upo sa matataas na upuan pinapanood Ang naghihirap na ninanakawan kaya mag ingat palagi."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo