Toni Fowler, Nagpasalamat Pa Sa Mga Basher Dahil Pinapayaman Pa Siya Lalo!

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Lovely


Agad na sinagot ng vlogger at ngayo'y rapper na si Toni Fowler ang mga basher na binabatikos ang kanyang music video na kalalabas pa lamang.

Bumaha ang mga negatibong obserbasyon sa comments section ng MV, bagama't mabilis ding ipagtanggol at pinuri ng mga tagasuporta ni Toni ang social media influencer.

"Ganda nga ee ., Kktwa nga role mo Mami oni at nila madam lovely at norvin"

"Grabe palooooooo,sobrang gilas nung MV"

Sa isang Facebook post, binweltahan ni Toni Fowler ang mga netizens na patuloy pa ring binabatikos ang music video ng kanyang kantang MPL.

"PAG AYAAAAAW NYO WAG NYO PANOORIN PAKASIMPLE ❤️" prangkang pahayag ni Toni.

Gayunpaman patuloy pa rin binabatikos ang music video at dahil sa viral na ito, naglabas muli ng mensahe si Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya ang mga bashers dahil sa pagpapayaman umano sa kanya.

Sa ngayon ay umaani ng million views ang nasabing music video sa Youtube channel ni Toni Fowler.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo