Flex Fuel Investors Bumwelta Kay Vilma Santos Laban Kay Luis Manzano!

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Lovely


 Agad na sinagot ng ilang investors ang pahayag ni Vilma Santos sa panayam ni Boy Abunda.

Matatandaan na iginiit ng Star for All Season na si Vilma Santos na hindi manloloko ang kanyang anak bagkus nais pa umano itong tumulong sa kapwa.

Ayon sa ilang investors kung totoo man ang sinasabing ito ni Vilma bakit hindi nito ibinalik ang kanilang perang pinaghirapan. Dagdag pa ng mga investors na kung totoo man hindi guilty si Luis Manzano, bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito humaharap sa kanila.

Hindi rin sila naniniwalang walang kinalaman si Luis Manzano sa pagpapatakbo ng kompanya dahil base sa kanilang kaalaman ay isa si Luis sa mga nagmamay-ari ng kompanya.

Nanawagan na lamang sila na ibalik ni Luis ang kanilang pero kung hindi ay handa silang haharapin sa korte ang actor-host dahil may mga ebedensya silang magpapatunay na sangkot umano ito sa panloloko sa kanila.

Panawagan pa nila kay Vilma Santos na huwag nang kunsintihin ang anak at pagsabihan itong ituwid ang pagkakamaling nagawa sa kanila at ibalik ang perang kanilang pinaghirapan.

Samantala, patuloy pa ring iginigiit ng kampo ni Luis Manzano na walang kinalaman si Luis sa sinasabing perang nawala dahil matagal na umano itong nagresign sa kanyang posisyon bilang Chairman of the Board noon pang unang bahagi ng 2022.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo