Cristy Fermin Isinauli Na Ang Condo Unit Na Isinumbat Ni Willie Revillame

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Jerome

 

Muli na namang binanatan ni Cristy Fermin si Willie Revillame matapos nitong isa-uli ang condo na ibinigay ni Willie sa kanya.

Tila hindi pa rin natapos ang gusot sa pagitan ng dating magkaibigan na sina Willie Revillame at Cristy Fermin. 

Bagama't nagpakumbaba na nga si Willie kay Cristy Fermin at humingi ng tawad sa pamamagitan ng kanyang show na Wowowin ay mukhang may galit pa rin itong si Cristy Fermin kay Willie Revillame. 

Samantala nasabi naman ni Cristy sa kanyang show na nasauli na daw niya ang condo unit na isinumbat ni Willie sa kanya. Ayon sa kanya ay nahakot na daw niya umano ang halos lahat ng gamit maliban lamang sa mga malalaking bagay na hindi daw umano kasya sa sasakyan. Babalikan nalang daw dahil ang nasabing unit ay nasa 39th floor ng Will Tower sa Quezon City. 

Saad naman ni Cristy "At tulad po nang mga sinabi ko, ibabalik ko po yung unit na pinagtrabahoan ko kay Willie Revillame. Dalawang araw na po ang nakararaan naka paghakot na po kami. Ang nandon nalang ay yung malalaking piraso na hindi kasya sa sasakyan. Gusto kong sabihin, kung kasing barubal ako ni Willie Revillame, gusto kong sabihin na eto na yung condo mo isaksak mo sa baga mo. Pero hindi po yun ang terminong iiwan ko ngayon, hindi po ako kasing tapang kasing mapanumbat tulad ni Willie. Ang gusto ko lang sabihin maraming salamat, eto na ulit yung isinumbat mo sa akin na condo unit. mabubuhay ako ng wala ito, mabubuhay din ako ng wala ka, kung paanong mabubuhay ka ng wala ako." Ito ang mga katagang binitawan ni Cristy Fermin sa kanyang show.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo