Kuya Kim Atienza Dinepensahan Si Karylle Sa Pambabastos at Panlalait Sa Kanya Ni Vice Ganda!

Biyernes, Pebrero 3, 2023

/ by Lovely


Tila kaagad na nakarating kay Kuya Kim ang isyu ng pambabastos umano ni Vice Ganda sa co-host nito sa It's Showtime na si Karylle.

Sa kanyang Twitter account, tila dinipensahan nito si Karylle at sinabing isa ito sa may mga mabubuting puso sa lahat at hindi umano nito kayang magsalita ng masasama sa kapwa.

"@anakarylle is one of the kindest souls I know in showbiz. She will never talk negatively against anyone," tweet ni Kuya Kim na itinag pa si Karylle.

Mataandaang naging mainit na usapin online ang pambabara umano ni Vice Ganda kay Karylle na inalmahan naman ng mga tagahanga ng huli. Aminado naman si Vice Ganda na medyo sumablay nga siya sa mga binitiwang biro para kay Karylle.

Samantala nilinaw naman na ni Vice na nagkausap na silang dalawa at hindi umano ito naoffend sa kanya kaya very much okay sila.

Gayunpaman, marami sa mga netizens ang nagkomento ng negatibo sa tila pananawsaw umano ni Kuya Kim sa isyu ng dalawa gayung wala naman umano itong kinalaman sa kanya.

May mga nagsasabi tuloy na sinadya ni Kuya Kim ang pagtu-tweet upang mapag-usapan rin online at magtrending.

"Jusko may mga sawsawera na parang d naging part ng show! Papampam lang?"

"Iprivate message mo nalang sya. Issue ka na naman eh."

"di ba nasa kabilang buhay aw este bahay kana ? mind your own , pinangungunahan ba naman sila HAHAHHAHAA"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo