Vice Ganda, Tinulungan si Anne Curtis Upang Hindi Masilipan!

Biyernes, Pebrero 3, 2023

/ by Lovely


Muling ipinakita ng Unkaboggable Star na si Vice Ganda kung gaano siya kabuting kaibigan ni Anne Curtis.

Hinahangaan ngayon ang kind gesture ni Vice Ganda kay Anne Curtis, kung saan pasimpleng hinala nito ang mini dress ni Anne pababa upang hindi ito masilipan.

Makikita naman na medyo nagulat si AnneCurtis, pero malinaw na naintindihan niya at kahit papaano ay na-appreciate niya ang ginawa ni Vice.

Isang tagahanga nila ang nagbahagi nito sa Twitter kalakip ang caption, "It's the small things that matters."

Sina Anne Curtis at Vice Ganda ay malapit na magkaibigan on-cam at off-cam.

Agad namang umano ng mga positibong komento mula sa mga netizens ang nasabing video. Labis na hinangaan ng kani-kanilang tagahanga ang ginawang pagmamalasakit umano ni Vice para kay Anne Curtis.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo