Julia Barretto, May Patama Kay Bea Alonzo

Biyernes, Pebrero 3, 2023

/ by Jerome

 

Marami ang kinilig na mga fans nina Julia at Gerald sa ipinost na video, na kung saan ay sinalubong ni Julia si Gerald matapos ang basket ball game nito. Napakahigpit naman ang yakap ni Gerald at sabay halik kay Julia, halos kargahin na nga ni Gerald si Julia ng mga oras na iyon, na masayang-masaya sa pagkakapanalo at proud na proud na girlfriend.

Makikita naman sa Instagram story ni Julia ang mga larawan na may caption na. "Just a proud we can moment right now, so proud tonight."

Samantala marami naman ang nagsasabi na mukhang patama daw ito ni Julia para kay Bea Alonzo. Nang dahil kasi daw sa isang interview ay nabuhay ang nakaraan, ang ghosting at ang pagsisinungaling umano ni Gerald kaya kahit kailan ay hinding-hindi niya ito mapapatawad at magiging kaibigan. 

Parang gustong sabihin ni Julia kay Bea na kahit ano pang gawin at sabihin niya at kahit buhayin pa ang matagal ng issue ay wala na itong dating sa kanila, dahil silang dalawa ngayon ay masayang-masaya na magkasama.

Mapapansin ngang nayon lang nagpost ang dalawa sa Instagram story na naglalambingan matapos ang naging interview ni Bea kay tito Boy.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo