Barbie Forteza at Jak Roberto Hindi Nagpahuli!

Huwebes, Pebrero 16, 2023

/ by Jerome

 

Barbie Forteza at Jak Roberto hindi na nagpahuli sa Valentines date nila dahil sa tambak nilang mga trabaho. Hindi na nga daw sila sumabay sa romantic na gabi ng February 14, na kung saan ay laging nakikitang puno ang mga restaurant at ng iba pang lugar na pinupuntahan ng mga magkasintahan. 

Makikita sa larawan ng dalawa na talagang masayang masaya sila sa araw na ito, dahil nga sa dami ng trabaho ay nasabi ni Jak kay Barbie na, "Buti nalang nagawan natin ng paraan today madaam, muntik pang di matuloy Happy Valentines day mahal ko I love you so much." 

Samantala sabi naman ni Barbie sa kanyang caption ay, "The stakes are high, the water’s rough but this love is ours ♥️ @jakroberto" ito ang sagot niya kay Jak. 

At dahil nga dito ay kinilig masyado ang mga kaibigan nilang dalawa lalo na ang kanilang mga fans na todo bati sa kanilang dalawa. Maging ang mga kaibigan nilang artista ay panay nga ang tukso sa dalawa na mag propose na daw si Jak kay Barbie. 

Subalit tila dismayado naman ang ibang mga fans na matindi ang pantasya at paniniwala na magiging sila ni Barbie at David Licauco, dahil nga sa Maria Clara at Ibara ay na buo ang FiLay  na Fidel at Clay. At syempre marami ang umasa na maging sa tunay na buhay magiging sila ngang dalawa. 

Hito naman ang mga naging kumento ng iilan sa kanilang mga tagahanga. "Dear fellow Filay Fans, sana kiligin lang po tayo sa on screen tandem pero wag po tayong manira ng napakagandang relasyon. Napakabait po ni Jak at napakaswerte nila sa isa't isa para lang sirain ng fans at ng kasikatan. Let's be a smart supporters."

"Wala daw titibag sa kanila kaya move on na kayo mga Filay๐Ÿ˜๐Ÿ˜ yung kilig dun pang Drama lang at Pina Patunayan lang Nila na Sobrang Galing Nila na Actress at Actor ๐Ÿ™Œpero ung sa kanila Real Life talaga Beh❤️๐Ÿ˜‚"

"Wala na nmn na dapat patunayan sa kasikatan si Barbie sya na yan Barbie Forteza.. May loveteam o wala she can shine... Basta happy ako makita OK sila ni jak Hindi apektado sa sobra pag kasikat ng filay."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo