Darryl Yap, May Patikim Na Eksena Mula Sa ‘MoM’!

Huwebes, Pebrero 2, 2023

/ by Lovely


Nagbahagi ng larawan ang direktor ng “Martyr or Murderer” na si Direk Darryl Yap hinggil sa isang eksena kung saan makikitang magkasama sa isang hapag-kainan sina dating Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso bilang Ninoy Aquino at Ruffa Gutierrez bilang Imelda Marcos.

Ibinahagi rin ni Darryl Yap ang isang lumang larawan nina Ninoy at Imelda habang nasa New York sila noong taong 1983.

“#MARTYRorMurderer carries the Beauty of the Ugliest Truth,” pahayag ni Darryl sa kanyang caption.

Agad naman itong umani ng samu't-saring reaction at komento mula sa mga netizens ang nasabing post ni Direk Darryl Yap. Marami sa mga netizen ang excited nang mapanood ang pelikula, na sinasabing iikot kina Ninoy Aquino, Imelda Romualdez, at Ferdinand Marcos.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo