Bea Alonzo, May Inamin Tungkol Sa Kanla Ni Dominic Roque

Huwebes, Pebrero 2, 2023

/ by Jerome

 

Bea Alonzon, may inamin tungkol sa kanilang dalawa ni Dominic Roque.

Sa tagal daw ng relasyon niya sa kanyang kasintahan na si Dominic ay mukang sa kasalan na daw umano ito matutuloy, basi naman ito sa mga sagot ni Bea tungkol sa relasyon nilang dalawa.

Isa na nga sa mga issue na sinagot ng actress ay ang tungkol sa issue nila ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque dahil sa magkaiba sila ng  katayuan sa buhay. Alam naman nga ng karamihan na isa si Bea sa tinitingala at hinahangaang actress sa industriya, habang si Dominic naman ay patuloy parin ang pagpupursigi sa personal nitong buhay. 

Ayon naman kay Bea Alonzo ay kahit kailan ay hindi daw siya tumingin sa estado ng buhay ng isang lalaki. Hindi naman din daw naging issue sa kanila ang tungkol sa estado nila ngayon, may kanya-kanya naman daw sukatan ang mga tao pag dating sa kanilang mamahalin.

Ngunit para naman sa actress na si Bea Alonzo ay hindi daw ang pagiging successful batayan niya. Ipinakita naman kay Bea ang napaka sweet na picture nila ni Dominic ay una nga daw pumasok sa isip niya ang happiness at contentment,  samantala napag-uusapan naman din daw nila ang pagpapakasal at pagbuo ng pamilya. Siguradung-sigurado na daw ang actress na gusto niyang makasama ang boyfriend niyang si Dominic hanggang sa kanyang pagtanda. 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo