Sunshine Dizon, Sumabak na sa Taping ng 'Mga Lihim ni Urduja'!

Huwebes, Pebrero 2, 2023

/ by Lovely

 Agad na sumabak sa taping ang nagbabalik Kapuso na si Sunshine Dizon para sa isang teleserye sa nasabing network na 'Mga Lihim ni Urduja'.

Makikita sa latest Instagram post ni Sunshine ang masasayang larawan nila mula sa taping ng major teleserye ng GMA7.

“Guess our smiles says it all! From TGIS to another homecoming. Thank you for today Nanay Mona, Direk Dom, Direk Aya and Dino,” pahayag ni Sunshine sa caption ng kanyang post.

Ang direktor ng teleseryeng ito na si Direk Dominic Zapanta ay unang nakatrabaho ni Sunshine Dizon sa isang show noong '90s na TGIS.

Samantala makakasama ni Sunshine Dizon ang mga Kapuso stars na sina Sanya Lopez na gaganap bilang isang warrior princess, Kylie Padilla bilang isang pulis, at si Gabbi Garcia bilang isang alahera na nagngangalang Crystal.

Kasama din sa cast sina Gina Pareno, Michelle Dee, Pancho Magno, Vin Abrenica, Kristoffer Martin, and Ara San Agustin.

Matatandaan na noong 2021 ay napanood sa “Marry Me Marry You” si Sunshine, na kauna-unahan niyang appearance sa Kapamilya Network matapos niyang lumipat. Subalit makalipas lamang ang isang taon ay muling nagbabalik si Sunshine Dizon sa Kapuso network.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo