Daniel Padilla at Janella Salvador, Bet Gawing Bagong ‘Captain Barbell’ at ‘Dyesebel’ Ng Anak Ni Mars Ravelo!

Huwebes, Pebrero 2, 2023

/ by Lovely


Sa isinagawang media conference sa pagtatapos ng “Mars Ravelo’s Darna: The TV Seies”  na pinagbibidahan ni Jane De Leon, nagbigay ng kanyang saloobin ang isang anak ni Mars Ravelo hinggil sa kung sino ang nais niya gumanap sa ilang mga iconic characters ng nilikha ng kanyang ama.

Hiling ng anak ni Mars Ravelo na sana'y patuloy na isabuhay sa telebisyon ang mga iconic characters na nilikha ng kanyang ama.

Ayon kay Roberta Ravelo, nais niyang gampanan ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ang iconic character na 'Captain Barbell' sakaling magkakaroon ito ng remake sa Kapamilya network.

Matatandaang sumikat noon ang iconic character na si 'Captain Barbell' na ginampanan ni Richard Gutierrez sa TV remake nito sa GMA7.

Nagbigay din siya ng saloobin kung sino ang nais niyang gumanap sa iconic character na si Dyesebel na dati nang nagampanan nina Marian Rivera at Anne Curtis. Ayon kay Roberta, mas nababagay umano sa role na ito para sa kanya ay walang iba kundi si Janella Salvador.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo