Banat Ni Kylie Verzosa Sa Basher Na Nakialam Sa Kanyang OOTD!

Wednesday, February 1, 2023

/ by Lovely


Hindi nakapagtimpi ang beauty queen actress na si Kylie Versoza sa isang 'matandang' basher na pinuna ang kanyang OOTD. Pinuna nang nasabing basher ang pananamit ni Kylie at pinayuhan pa ang dalaga kung ano ang dapat isuot. Kung saan balot na balot ang kanyang katawan.

Kasalukuyang nagbabakasyon ang actres-beauty queen sa boracay matapos ang kanyang proyekto sa France. Ibinahagi ni Kylie Versoza ang ilan sa kanyang mga larawan sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang kanyang OOTD.

Subalit hindi ito pinalampas ng isang basher. “Try mo mag Abaya! Ung Black outfit sa Saudi Arabia para naman mysterious ang dating! Kita na naming lahat eh.”

Agad naman itong binweltahan ni Kylie Versoza, “Mommy try mo only fans baka mas exciting for you.”

Bukod pa rito, may ilan pang sinagot ni Kylie na komento ng mga netizens na siyang nang-okray sa kanya.

“ABANGAN NATIN ONLYFANS NI MOMMY CAROLINE! Hahahahaha! Ang funny pls. Dapat iba nadin IG ng mga matatanda!!!” mababasa sa post ni Kylie Versoza.


No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo