Alex Gonzaga Nagalit Kay Nadine Lustre Dahil Unang Naiiyak sa Kanyang Eksena!

Miyerkules, Pebrero 1, 2023

/ by Lovely


Nilinaw na ng veteran actress na si Dina Bonnevie ang matagal nang isyu sa pagitan nila ng actress, TV-host, Vlogger na si Alex Gonzaga.

Aminado si Dina na si Alex nga ang kanyang tinutukoy sa kanyang interview noon bilang isang bastos at unprofessional na artista. Gayunpaman, ipinahayag ni Dina na matagal nang nangyari ang isyung ito, 12 year na ang nakakalipas.

Kabilang sa naisiwalat ni Dina ay ang pagkainis umano ni Alex Gonzaga sa isa pang kasamahan nila sa project na si Nadine Lustre. Ayon kay Dina, naiinis si Alex Gonzaga sa tuwing nauunahan pa siya umiyak ni Nadine sa eksenang dapat ay siya ang unang maiyak.

“Then nagagalit siya kay Nadine kung nauunang umiyak si Nadine. Eksena niya daw 'yon. Anyway, long and short of it, sabi ko, 'I'm not talking to you like this because I want to put you down. I want you to succeed in your career. I want you to be great.'” pagbabalik tanaw ni Dina.

Ayon pa kay Dina, hindi kaagad na nakaiyak si Alex kaya kailangang i-retake pa ang scene. Agad din umano niyang pinagsabihan si Alex sa mga mali nito dahil ilang beses na nitong inulit-ulit. Kagaya na lamang ng palaging pagkakalate at doon pa sa set nagpapamake up.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo