Dina Bonnevie Idinetalye Kay Boy Abunda Ang Kabastosan Ni Alex Gonzaga!

Miyerkules, Pebrero 1, 2023

/ by Lovely


Hayagang inamin ng beteranang aktres na si Dina Bonnevie na pinagsabihan niya ang young actress noon na si Alex Gonzaga, nang magkasama sila sa pelikulang P.S I Love You.

Ipinahayag ni Dina Bonnevie at tahasang inamin sa programang Fast Talk With Boy Abunda na napagsabihan niya noon si Alex Gonzaga dahil sa palagi nitong pagkaka-late sa kanilang call time.

Sinabi rin niya na hindi lamang siya ang naiinis rito kundi maging ang ilan pa sa mga kasamahan niya. Subalit siya lamang ang nakapagsabi rito at tila naging tagapagsalita sa lahat. 

"There were other co-workers getting irked about ‘yung working habits niya. Gabby, Cheska IƱigo, si Nadine Lustre... we were all together and nobody had the strength or the audacity to come up to her and talk to her. So, okay ako ang magiging spokesperson," pahayag ni Dina.

Nilinaw din niya na hindi totoo na sinigawan niya si Alex Gonzaga mula ulo hanggang paa dahil gustuhin man niya hindi pa rin maaari dahil nasa simbahan ang kanilang setting noon.

"Hindi totoo na pinagsisigawan ko siya mula ulo hanggang paa kase ‘yung setting namin nasa simbahan," paglilinaw ni Dina.

Pinabulaanan niya ang naging pahayag ni Alex sa kanyang podcast na sinigaw-sigawan siya ng isang matandang artista.

Ibinahagi din  niya ang iba pang mga nasabi niya sa kapatid nitong si Toni Gonzaga.

"Sa akin Alex, Please kinakausap kita ng maayos. If you wanna stay long in this business, you cannot last kung ganyan ang attide mo. Palagi kang late, dito ka pa maliligo sa set and you know you cannot even memorize your lines, 'di ka makaiyak," dagdag pa nito.

Sa huli ibinahagi ni Dina na naging okay na sila ni Alex Gonzaga dahil nailabas na niya ang lahat ng kinikimkim para rito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo