Ginulat Ng Mag Asawang Jennylyn at Dennis Trillo Ang Netizens.

Miyerkules, Pebrero 1, 2023

/ by Jerome

Nasa Las Vegas Nevada ngayon ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kasama ang kanilang anak na si Dylan.

Kahapong Martes lamang lumipad patungong Las Vegas si Dennis para sundan ang kanyang asawa at anak na noon pang January 22 naroon upang bisitahin ang nabiling bahay sa Summerlin Residencial Community Las Vegas Valley of Southern Nevada USA. 

Two years ago, pa pala nila nabili ang bahay at nitong last November 2022, lang na turn over sa kanila. Ang maganda pa nga dito ay mayroon nang uupa sa bahay. Kaya isa ito sa dahilan na lumipad kaagad ang mag-asawa sa Las Vegas.

Ayon naman sa kuwento ng manager ng actress na malaking bahay daw ito, at over look ang red rock canyon pero, hindi na nito ibinahagi kung magkano ang pagkakabili nito ng celebrity couple.

Dito rin nakatira sa nasabing village ang kakambal ni tita Vicky, na si Bianca na nagtatrabaho bilang nurse sa Vegas at sa kanya din tumutuloy ngayon ang mag-asawang Dennis Trillo, Jennylyn at ang kanilang anak na si baby Dylan.

Paglalarawan pa ni tita Vicky sa bahay nang mag-asawa, "It's a big and nice house, mas bongga ang bahay ni Jen mas expensive."

Samantala mahilig daw mag-invest ng mga properties ang mag-asawa tulad na lamang ng ipinatayo nilang rest house sa Tanay Rizal na over looking naman sa wind mill farm sa Pililla, Rizal. Its made of container naman sambit ni tita Vicky dahil nakita na namin ito dahil nagbibigay naman ng update ang mag-asawa sa kanilang bahay sa Tanay.

Ang totoo daw hindi lng talaga matiis ni Denis na hindi makita ng matagal ang kanyang mag-ina kaya sumunod kaagad siya sa kanila. Mamimiss daw ng actor ang bungisngis ng anak na ayon kay tita Vicky ay kamukang-kamuka daw talaga ni Dennis. Sinamantala na rin ng mag-asawa na makapagbakasyon bago sila sumabag sa kani-kanilang trabaho.

Sa March na daw kasi mag babalik sa taping si Jennylyn para sa series nila ni Xian Lim na Love Die Repeat at si Denis naman ay may project kaagad pagkatapos ng Maria, Clara at Ibarra, kung saan ay makakatambalan niya si Bea Alonzo.   

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo