Trina Candaza, May Hugot sa Pabangong Pino-promote! Patama ba kay Carlo Aquino?

Biyernes, Enero 6, 2023

/ by Lovely


Tila muling nagpatama si Trina Candaza sa mga taong nang-iiwan ng pamilya. Sa kanyang pag-i- endorse ng pabango ipinahayag ni Trina ang kanyang saloobin sa mga isyung pangangaliwa at pang-iiwan ng pamilya.

"Pabango muna tayo para bumango naman ihip ng hangin, kaliwaan pag iiwan ng pamilya eh," caption ni Maggie. Kalakip ito ng kanyang picture hawak ang binebenta niyang pabango.

Sinagot din ni Trina ang komento ng isang netizen kaugnay sa kanilang isyu.

"Ayun mukhang blinock na ako or nag delete, may icocomment pa nga ako. Di pa nga ako tapos."

Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens.

Si Trina Candaza ang dating karelasyon ni Carlo Aquino. Nagkaanak naman sila ng isa, bago pa man magdesisyong maghiwalay.

Si Carlo ay pumasok sa mundo ng showbiz noong siya bata pa lamang. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Isa sa pinakasikat na pelikulang kanyang ginawa noon ay ang pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo