Itinuturong Babae ni Mccoy na si Mary Joy Santiago Pumirma Ng Kontrata sa Viva!

Biyernes, Enero 6, 2023

/ by Lovely


Ang hiwalayan ng celebrity couple na sina Elisse Joson at McCoy de Leon, ay ini-link ng ilang mga netizens sa social media influencer na si Mary Joy Santiago.

Bagama't itinanggi na ni McCoy na third party ang dahilan ng kanilang breakup ni Elisse, patuloy pa ring sinisisi ng ilang netizens si Mary Joy. Gayunpaman, sa gitna ng mga bashing, nakatanggap din ng blessing si Mary Joy dahil nagkaroon siya ng contract signing sa Viva bilang bagong talent nito.

Ibinahagi ni Mary Joy ang  mga larawan mula sa kanyang contract signing at ibinahagi pa ang isang pic ng kanyang pag-pose kasama ang boss at founder ng Viva na si Vic del Rosario. 

“Contract signing Viva Artist. Thank you po Ms. Rhina and Jerico Montemayor,” caption ni Mary Joy sa kanyang Facebook page.

Agad naman itong umani ng samu't -saring komento mula sa mga netizens.

"Bat naman ganun bumaba ang taste ni mccoy. Mukhang ktulong lng ni elisse e."

"Aabangan kita sa VIVAMAX LODI."

"May nabihag nanaman Ang vivamaxx hahaha"

"She looks so different pag wala sya control ng camera, ang weird. LOL."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo