Charlie Dizon, Carlo Aquino Magkasama sa La Union!

Biyernes, Enero 6, 2023

/ by Lovely


Namataan sina Charlie Dizon at Carlo Aquino na magkasama sa La Union, sa gitna ng mga tsismis kamakailan na sila ay magkarelasyon.

Ang mga larawan ng dalawa sa La Union ay ibinahagi sa Facebook ng Halo Halo de Iloko noong January 2, na nagpapasalamat sa 37-anyos na aktor sa pagbisita sa kanilang tindahan.

Ang isa sa mga snaps ay nagpapakita kay Charlie na nakahawak sa balikat ni Carlo habang sila ay masayang nagpapakuha ng litrato. Ang dalawa ay nakasuot ng matching dark shades at puting damit.

“CARLO AQUINO is in the house! It’s nice to see you again!” mababasa sa post ng nasabing shop.

Bago pa man ang Bagong Taon nagingng usap-usapan sina Charlie at Carlo matapos mamataan sa isang dinner date kasama ang mga kaibigan ng aktres.

Agad itong umani ng reaksyon ang mula sa mga fans at kapwa celebrities, kabilang sina Jolina Magdangal at Dimples Romana.

“Ayun na!!!” isinulat ni Jolina, habang si Dimples ay nag-iwan ng heart-eyed emojis.

Ang nasabing bakasyon nina Charlie at Carlo sa La Union ay matapos ang pagbabahagi ng hudot post ng ex-partner ni Carlo na si Trina Candaza.

“Before leaving 2022, I want to look back and be reminded of all the things that happened to me, to us rather. So I will be reminded of how I braved through it all. We lost someone whom I thought will be the man who will always keep us safe, someone who will protect us. But little did I know he will be the one who is very excited to remove us from his life,” pahayag ni Trina sa kanyang Instagram post.

Sa ngayon ay wala pa ring inilabas na statement sina Charlie Dizon at Carlo Aquino hinggil sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo