Trina Candaza, Hindi Pinapahiram Kay Carlo Aquino ang Anak Kahit Nagbibigay Naman!

Linggo, Enero 8, 2023

/ by Lovely


Isiniwalat na ng aktor na si Carlo Aquino ang totoong estado ng co-parenting nila ni Trina Candaza sa kanilang nag-iisang anak na si Mithi.

Tila pinipigilan lamang ni Carlo ang maluha habang kinakausap siya sa presccon ng bago niyang pelikulang “I Love Lizzy” kung saan katambal niya si Barbie Imperial.

Ayon kay Carlo, hindi raw siya masyadong affected sa pamba-bash sa kanya ng mga netizens hinggil sa naging relasyon nila ni Trina, dahil ang inaalala niya ngayon ay ang anak na si Mithi na noong November pa niya huling nakasama.

Ibinahagi rin ni Carlo na nag-reach out siya kay Trina kung kailan niya maaring makasama ang anak. Kung sa bagong taon ba o kung kailan. Subalit, hindi man lamang siya nakakuha ng sagot mula rito.

Ayaw din umano niyang magbigay ng anumang impormasyon against kay Trina dahil ito pa rin ang ina ng kanyang anak, subalit tila hindi niya napigilan ang sarili dahil sa labis na pangungulila sa kanyang anak.

Hindi naman din umano kalabisan kung mahihiram niya ang anak dahil hindi naman siya naging pabaya rito.

Hindi rin umano niya alam kung ano ang pinagmulan ng kanilang problema ni Trina dahil maayos naman umano sila minsan.

“Ayokong mag-assume, ayokong magsalita kasi hindi ko talaga alam ‘yung nangyayari. Kasi minsan okay, ipapasundo, ‘yung ganyan, sana talaga alam ko . Kasi ‘yun nga, at this point, ‘di ba, dapat ‘yung discussion natin is about co-parenting, kung paano natin papalakihin si Mithi individually? Kailangan niya ng tatay, kailangan niya ng nanay. At the end of the day, sa lahat ng mga lumalabas, ‘yung magsa-suffer, sino? Kapag nagkaisip na siya,” pagbabahagi ni Carlo.

Sa ngayon ay walang ibang hiling si Carlo kundi ang mahiram man lamang ang kanilang anak ni Trina na si Mithi.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo