Bentahan ng Ticket sa 20th Anniversary ni Toni Gonzaga, MAHINA?

Linggo, Enero 8, 2023

/ by Lovely


May nakarating sa aming chika na ang bentahan umano ng ticket para sa concert ni Toni Gonzaga na gaganapin sa Araneta Coliseum sa darating na January 20, 2023 ay kasing hina ng kanyang pelikulang My Teacher.

Nauna nang naiulat ang gaganaping 20th Anniversary Concert  ni Toni Gonzaga sa Araneta Coliseum na kasabay mismo ng kanyang kaarawan.

Ayon sa aming narinig na chika mula sa isang trabahante ng Araneta, hindi umano umuusad ang bentahan ng ticket para sa concert ni Toni Gonzaga. Noong nakaraang mga araw ay pumunta pa umano mismo si Mommy Pinty at bumili ng 500 pieces na ticket. 

Sa ngayon, ay hindi pa alam kung magkano ang presyo ng biniling ticket ni Mommy Pinty. Gayunpaman, maari rin naman na dalawang araw bago ang concert ay saka na magdadagsaaan na ang mga tao sa pamimili ng tickets.

Samantala maging ang pelikulang My Teacher nina Toni Gonzaga at Joey De Leon na isang entry sa nagbabalik na MMFF ay iniintrigang nangungulilat din sa mga sinehan. Maging ang sikat na kolumnistang si Manay Cristy Fermin at Romel Chika ay isiniwalat ding tila kukunti lamang ang nanonood ng pelikula ni Toni Gonzaga.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo