Nagkabati Na! Nora Aunor at Matet De Leon Spotted sa Isang Party!

Linggo, Enero 8, 2023

/ by Lovely


Spotted sa isang party na nagkasama at nagkausap ang mag-inang Nora Aunor at Matet De Leon, kaya naman tanong ngayon ng kanilang mga tagahanga. Nagkabati na sila?

Ibinahagi ng singer na si John Rendez na sa kanyang idinaos na birthday party, nagkita at nagkausap na ang mag-inang Nora Aunor at Matet De Leon. Matatandaang, nagtampo si Matet dahil sa panggagaya umano ng kanyang ina sa kanilang negosyo.

Mapapanood sa part 2 ng kaniyang birthday vlog ang pagkikita ng mag-inang nagkatampuhan dahil sa negosyong gourmet tinapa at tuyo. Ayon naman kay John Rendez, ibinahagi umano sa kanya ni Nora Aunor na tinext na nito si Matet bago magdiwang ng Bagong Taon.

Makikita pang inaalalayan ni Matet De Leon ang kanyang ina na si Nora Aunor sa pagpasok sa nasabing pagdiriwang. Sa isang bahagi naman ay spotted ang mag-ina na nag-uusap sa lamesa.

Agad naman itong umani ng positibong reaksyon mula sa kani-kanilang mga tagahanga. Lalong-lalo na ang mga Noranians.

“Napaiyak po ako ng mapanood ko po ito. Prayers answered thank you po Lord! Yan ang isa sa mga itinuro ni Ate Guy sa mga anak niya na nasabi ni Lotlot sa interview sa kaniya. Sana naman wag na bigyan ng anumang pangit na mga comments. Happy na si Ate Guy na ok na silang mag-ina. Love you Ate Guy and Matet.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo