Rebelasyon Ni Pokwang Sa Ex Partner Na Si Lee O'brian!

Martes, Enero 31, 2023

/ by Sparkle

 

Pokwang, may matinding ibinulgar tungkol sa partner na si Lee O'Brian.

Tila may pasabog si Pokwang tungkol sa kanyang ex-partner na si Lee O'Brian. Sa kanyang Instagram post noong January 17, 2023, binalaan ni Pokwang ang mga tao tungkol sa dating pangalan ng negosyo nila ni Lee, ang Pok-Lee Food Products.

Active pa rin ang facebook page ng Pok-Lee Food Products at may mga nag-o-order pa rito. Dahil dito, nagrereklamo ang mga customer dahil na-scam daw sila.


Sa comment section, biniro ng cohost niyang si Kuya Kim si Pokwang.


Nag-post si Pokwang sa kanyang IG stories ng picture niya na may caption na tumutukoy sa bagong karelasyon ng kanyang ex-partner.


Nag-post din ang komedyante ng larawan ng kanyang anak at ng kanilang bagong aso. Sa caption, parang pinapatamaan niya ang kanyang ex.


Naghiwalay sina Pokwang at Lee noong Nobyembre 2021 ngunit ito ay isinapubliko lamang noong Hulyo 2022. Nabalitaan ng mga netizens ang tungkol sa breakup nila dahil wala ng post na magkasama sina Pokwang at Lee.

Nagpalit na rin ng packaging ang negosyong sawsawan at pampalasa ni Pokwang na dating tatak nila ni Lee bilang Pok-Lee. Pero ngayon si Pokwang na lang ang nasa packaging.

July 2022, kay Pokwang mismo nanggaling na pitong buwan na silang hiwalay ni Lee. Sabi ni Pokwang, nananatili silang coparenting sa kanilang 5-year old daughter na si Malia.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo