Jinkee Pacquiao, Nagsalita Na sa Isyung Pagbubuntis at Hiwalayan Nila ni Manny Pacquiao!

Martes, Enero 31, 2023

/ by Lovely


Tila hindi na nakapagtimpi ang misis ni Manny Paccquiao na si Jinkee Pacquiao sa wakas ay nagbigay na siya ng reaksiyon hinggil sa kumakalat na isyung gumugulong na raw ang annulment nilang mag-asawa, at kawawa naman daw siya dahil kasalukuyang nagbubuntis.

Maging ang kaibigan nilang talent manager na si Annabelle Rama ay tila naririndi na rin sa natatanggap na tawag at text ng mga nagtatanong hinggil sa totoong estado ng relasyon nilang dalawa.

“SA LAHAT NG MARITES, TIGILAN NiYO NA ANG PAG-IMBENTO NG KWENTO TUNGKOL KAY JINKY NA MAG FILE NG ANNULMENT, AT KAWAWA NAMAN DAHIL BUNTIS. I JUST WANT TO CLARIFY SA LAHAT NG NAG TXT AT TAWAG SA AKIN KUNG TOTOO ANG CHISMIS, NO IT’S A FAKE NEWS,” paglilinaw ni Annabelle.

“UNANG UNA, SA NAKIKITA KO IMPOSIBLENG MAG HIWALAY ANG MAG ASAWA DAHIL SA NAKIKITA KO ANG SWEET NILA AND HAPPY FAMILY. BUSY SI JINKY SA 3 HECTARE MANSION NA PINAPAGAWA NI MANNY PARA SA DREAM HOUSE NILANG MAG ASAWA AT MALAPIT NA ITONG MATAPOS.”

“KAYA YUNG MGA MARITES, TIGILAN NYO NA. ALAM KO KUNG SINO ANG GUMAGAWA NG CHISMIS MAMATAY KA SA INGGIT.” dagdag pa ni Annabelle.

Agad namang nagkomento si Jinkee sa nasabing post ni Annabelle at ipinahayag ang kanyang saloobin.

“Ang taba ko s pic nato tita.”

“Hayaan mo na sila God bless them!”

“Vengeance is mine I will repay, says the Lord,” komento ni Jinkee Pacquiao.

Samantala, hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag si Manny Pacquiao hinggil sa isyung ito.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo