Pokwang Isiniwalat Na Ang Katotohanan Sa Hiwalayan Nila Ni Lee Obrian!!!

Tuesday, January 31, 2023

/ by Sparkle

 


Hindi na nakapagpigil ang comedian-TV Host na si Pokwang at nagawang supalpalin ang ilang netizens na nagtanggol sa dati niyang partner na si Lee O'Brian.

Nangyari ito sa kamakailang Instagram post ng American actor kung saan nag-post siya ng larawan ng kanilang anak na si Malia na kuha sa Mind Museum sa Taguig City.



Isang netizen ang nag-comment dito at sinabing nalungkot siya dahil si Lee mismo ang dahilan ng pag-iyak ng kanyang anak. Hindi man direktang sinabi, tila ang nais iparating ng netizen ay ang paghihiwalay ng mga magulang ni Malia.




Matapos ang mga komentong ito, hindi na napigilan ni Pokwang ang sarili at nakisali sa nasabing Instagram post. Nagkomento si Pokwang at narito ang kanyang rebelasyon.


Hindi sinagot ni Lee ang pakikipagbardagulan ni Pokwang sa kanyang Instagram account. Hindi na rin sumasagot ang dalawang commenter.

Matatandaang naghiwalay sina Pokwang at Lee noong Nobyembre 2021 ngunit isinapubliko nila ito noong Hulyo 2022. Nahinuha ito ng netizens nang palitan ni Pokwang ang packaging ng kanyang food business. 

"PokLee" ang dating pangalan ng label niya pero ngayon ay "Mamang Pokwang". Hindi na idinetalye ni Pokwang kung ano ang pangunahing dahilan ng break-up nila ni Lee, pero sinabi niya noon na okay sila.


No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo