Pokwang Pinalayas Pala Ng Bahay Si Lee O'brian Totoong Dahilan Ng Hiwalayan

Martes, Enero 31, 2023

/ by Sparkle

 


Kamakailan ay ginulat ni Pokwang ang mga netizens sa kanyang sunod-sunod na komento at outburst tungkol sa naging dahilan ng paghihiwalay niya sa dating partner na si Lee O'Brian. Ibinunyag din ni Pokwang ang ilang masamang ugali ng dati niyang partner.

Noong nakaraang Sabado, January 28, nag-post ang komedyante ng maikling video habang naliligo siya sa kanilang pool. May isang basher na matapang na nagkomento sa post ni Pokwang at sinabing ang dahilan kung bakit siya iniwan ni Lee ay dahil "Talakira" daw ang komedyante.




Hindi naman ito pinalampas ni Pokwang at sinabing hindi siya iniwan ni Lee, pero siya mismo ang nagpalayas dahil anim na taon na itong palamunin. Ibinunyag din ni Pokwang na si Lee ay mukhang pera at isang manggagamit. May bago na raw itong babae sa kasalukuyan na siyang dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa, ani Pokwang.


Taliwas ito sa naunang pahayag ni Pokwang kung saan ipinagtanggol niya noong una si Lee. Matatandaang sinabi ni Pokwang sa mga panayam na maayos naman ang paghihiwalay nila ng dating partner.

Hindi rin daw problema sa kanila ang pera. Sinabi pa niya na si Lee O'Brian ay isang mabait at mabuting tao. Kung tutuusin, palagi silang nakikitang magkasama kahit magkahiwalay na, tuwing may okasyon tulad ng kaarawan ng kanilang anak na si Malia.

Parang nagbago lang ang lahat nang malaman ni Pokwang na may bagong babae na si Lee. Narito ang ilang komento ng mga netizens.








Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo