Lolit Solis Ipinahayag Bilang Responsableng Ama si Paolo Contis!

Biyernes, Enero 6, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng komento ang talent manager at kolumnista na si Lolit Solis tungkol kay Paolo Contis, na nawalay sa kanyang anak sa dating partner na si LJ Reyes at sa kanyang mga anak sa kanyang dating asawang si Lian Paz.

Ayon kay Lolit, tila hindi makawala si Paolo sa anino ng kanyang mga anak sa dalawang babaeng nabanggit.

Isa pa, sinabi ni Lolit na mukhang walang isyu si Paolo kay Lian at sa kanilang mga anak, kundi kay LJ at sa anak nilang si Summer. Gayunpaman, sinabi ni Lolit na si Paolo ay isang responsableng ama na gustong gumugol ng oras sa kanyang mga anak.

Matatandaang sa naging panayam noon, sinabi ni LJ na nagpasya siyang pumunta sa US kasama si Summer at ang kanyang anak mula sa isang nakaraang relasyon upang protektahan sila menatally and emotionally. 

Naiulat din ang pahayag ni Lian Paz kung saan inakusahan niya si Paolo ng kawalan ng suportang pinansyal mula nang magkahiwalay sila maraming taon na ang nakararaan. 

“Kahit ano pa sabihin, gusto din ni Paolo Contis gampanan ang pagiging ama sa mga anak niya. Nandiyan parin siya at gustong ipaalam na anytime, puwede siyang magbigay oras sa mga ito. Kung happy go lucky ang image ni Paolo, pagdating sa anak, isa siyang responsableng ama," pahayag ni Lolit Solis.

“Kaya naman sana mabigyan siya ng pagkakataon ipakita ito at ipadama sa kanyang mga anak. Go Paolo, ganyan nga, ikaw parin ang father nila. Hindi nila puwede alisin sa iyo ang pagiging father nila. Forever CONTIS sila, hanggang lumaki,” dagdag pa nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo