CGI Effects ng Darna Muling Bumatikos Kahit Magtatapos Na!

Biyernes, Enero 6, 2023

/ by Lovely


Sa pagtatapos ng Darna TV series ng ABS-CBN hindi pa rin natitigil ang mga pamumuna ng ilang mga netizens sa CGI effects nito.

Tila hindi pasado ang effects ng Darna sa mga netizens dahil hindi pa rin matigil-tigil ang pamumuna at pambabatikos nito. Ayon sa ilang mga netizens napakapangit at talagang tinipid ang effects.

May ilan pang netizens na kinumpara ang effects ng Darna sa ginawang endgame parody noon ng Bubble Gang, na mas hamak na mas maganda pa umano ito. Pinagtatawanan pa ito ng ilang mga netizens dahil ipinahayag ng iba na pang world class umano ang efffects nito.

Subalit makikita namang ni wala ito sa kalingkingan sa GGI effects ng Marvels.

Maging ang ilan sa mga original na kalaban ni Darna sa komiks na gawa ni Mars Ravelo ay hindi rin nakita sa serye. Hindi rin nagbabago ang effects nito sa pag-usad ng teleserye.

Marami rin ang dismayado dahil matapos i-announce ang pagsisimula ng season 2 ng Darna ay kaagad ibinalitang magtatapos na ito sa darating na January 27.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo