Elisse Joson Nag-Iwan Ng Komento Sa Post Ng Babae Ni Mccoy!

Huwebes, Enero 5, 2023

/ by Lovely


Sa gitna ng kontrobersiya sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Mccoy De Leon at Elisse Joson, naungkat ng ilang mga netizens ang iniwang komento noon ni Elisse sa Instagram post ng nagpakilalang bagong jowa ng aktor.

Matatandaang ilang beses nang iflinex ng isang Mary Joy Santiago ang mga larawan nila ni Mccoy sa kanyang social media account. May kumakalat din screenshot ng convo kung saan hayagang inamin ni Mary Joy na may relasyon na sila ni Mccoy.

Binalikan naman ng ilang mga netizens ang mga naging Instagram post ni Mary Joy noong December. Sa isang post na nagpapakita ng kanyang larawan na may caption na, "I don't wanna wait, not anymore."

Namataan ng ilang mga netizens na nag-iwan pala ng komento si Elisse Joson. Ayon sa komento ni Elisse, "Self-respect is power" kalakip ang isang smirk emoji.

Sa ngayon ay naka-off na ang comment section ng nasabing post ni Mary Joy.



( Hide )

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo