Mccoy De Leon Kinumpirma Na ang Hiwalayan nila ni Elisse Joson!

Huwebes, Enero 5, 2023

/ by Lovely


Nilinaw na ni Mccoy De Leon sa lahat ang totoong nangyari sa hiwalayan nila ng kanyang partner na si Elisse Joson.

Sa kanyang sunod-sunod na Instagaram stories nilinaw ni Mccoy na walang ibang tao na involved sa kanilang paghihiwalay. Hindi lamang umano niya nakayanan ang kanilang mga problema kaya pinili niyang sumuko na lang.

"Wala po involve na ibang tao ang pinaka rason kaya kami naghiwalay. Sana po maniwala kayo."

Maging ang mga kumakalat na screenshots convo ay pinabulaanan ni Mccoy. Sinabi niyang hindi siya  at wala siyang kinalaman sa mga iyon.

"Hindi po totoo yung mga convo na kumakalat, hindi po ako yun. Pasensya na po ulit."

Dagdag pa ng aktor na wala siyang intensyong saktan ang mga tao nasa paligid. Dumating lamang sa punto na sobrang bigat na ng kanyang mga nararamdaman.

"Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo