Donnalyn Bartolome Ipinagtanggol ang Kanyang Sarili sa Kanyang Post!

Biyernes, Enero 6, 2023

/ by Lovely


Ipinagtanggol ng celebrity vlogger na si Donnalyn Bartolome ang kanyang sarili matapos umani ng pambabatikos ang kanyang post noong January 3 tungkol sa pagtatrabaho noong unang araw ng taon. 

Sa kanyang pinakabagong post sa Facebook, ipinaliwanag niya kung bakit gusto niyang ibahagi sa kanyang mga followers ang tungkol sa pagiging positibo pagdating sa pagtatrabaho.

Sa isang mahabang post, ipinaliwanag ni Donnalyn ang kanyang side at kung bakit niya nasabi ang mga ganoong bagay. Ibinahagi ng aktres ang kanyang hirap na pinagdadaanan kaya naabot niya ang kanyang kasalukuyang estado.

“I’m posting to let you know that yung positivity na yun hindi nanggaling sa privilege, matter of fact, it came from experience.. hindi lang talaga ako pala-share ng hirap kasi lagi kong iniisip na baka lalo akong makabigat sa buhay niyo. Mali pala yun.. okay din pala na minsan malaman ng mga tao yung hirap mo at hindi lang yung success mo,” pagbabahagi pa ni Donnalyn.

“Nakakabaffle nga naman yung mga taong sobrang positive kasi parang wala silang dinadala, pero I realized matinding defense mechanism na pala nabuild ko.. Ang piliing maging masaya,” dagdag pa ni Donnalyn.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo