Moira dela Torre Ibinahagi ang Detalye ng Kanyang World Tour!

Biyernes, Enero 6, 2023

/ by Lovely


Isa itong mapagpalang taon para OPM star na si Moira dela Torre dahil nakatakda niyang ilunsad ang kanyang kauna-unahang world tour, kung saan gaganap siya sa US, Canada at Middle East.

Ibinahagi ito ni Moira Dela Torre sa kanyang social media nitong Huwebes ng gabi para ibahagi ang mga detalye ng kanyang paparating na Moira Tour 2023, na magsisimula sa February 10 hanggang April 1, 2023.

Ibinahagi din niya sa kanyang Instagram na mas marami pang lugar ang iaanunsyo sa lalong madaling panahon.

Magsisimula ang kanyang world tour sa isang major concert sa Araneta Coliseum sa February 3.

Naunang ibinalita ni Moira ang pagkakaroon niya ng world tour sa hulihang bahagi ng kanyang ibinahaging live video sa kanyang youtube channel.

Matatandaang, ibinahagi noon ni Moira na nasa 4 million na ang kanyang followers sa Instagram. Mayroon din siyang 4 million spotify listeners monthly.

Naging big winner din siya sa nakaraang 13th PMPC Star Awards for Music, kung saan nakuha niya ang Album of the Year para sa "Patawad," kasama ang Song of the Year at Music Video of the Year para sa kanyang napakalaking hit na "Paubaya," na sinulat niya kasama angdating asawang si Jason Hernandez.

Nanalo rin si Dela Torre bilang Female Recording Artist of the Year para sa parehong kanta.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo