Annabelle Rama, Nagsisisi Sa Pagtitiwala sa Isang Kasambahay!

Biyernes, Enero 13, 2023

/ by Lovely


Ipinahayag ni Annabelle Rama sa kanyang Instagram account ang pagkadismaya sa isa sa kanyang mga kasambahay.

Sinabi ng talent manager na pinagkatiwalaan niya ang nasabing kasambahay na mag-text siya at mag-post para sa kanya sa social media pero masyado na umano itong naging proud. 

Inakusahan din ni Annabelle na mas maraming day-off ang nasabing kasambahay kaysa sa araw na nagtatrabaho ito. Hindi na rin umano ito sumasagot sa mga tawag at text niya.

Ayon kay Annabelle, binalaan na siya ng dating amo ng katulong na iyon tungkol sa ugali ng kasambahay ngunit hindi siya nakinig. Dahil hindi niya pinakinggan ang dating amo, naniniwala si Annabelle na tinamaan siya ng masama ng karma.

“Sa panahon ngayon mahirap magtiwala sa mga baguhan na nag apply ng katulong. Lalong lalo na sa mga magaling mag text, mag email at mag post. Lumalaki kaagad ang ulo. Akala siguro pag iniwan ako mapipilayam nya ako. Sakit sa ulo palaging nag off. Mas marami pa ang day off kay sa trabaho. Bigla nalang mawawala hindi sumasagot sa text at tawag. 

“Dati pag meron nag apply sa akin hinahanapan ko ng police & NBI Clearance this time nakalimutan kung humingi dahil excited ako meron na akong tiga text & post sa IG. Hindi dapat pala. Ang pag kakamali ko hindi ako nakinig sa dati niyang Boss. KARMA Ang nangyare,” pahayag ni Annabelle.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo