Christopher De Leon Nag React sa Naging Isyu Kina Nora Aunor at Matet De Leon!

Biyernes, Enero 13, 2023

/ by Lovely


Nagbigay na ng sariling saloobin ang dating asawa ni Nora Aunor na si Christopher de Leon sa nangyaring isyu sa pagitan ng mag-inang si Nora Aunor at Matet De Leon.

Ayon kay Christopher de Leon, una pa lang ay nakarating na sa kanya ang nangyaring hidwaan sa pagitan ng dalawa. Subalit mas pinili niya ang manahimik na lamang at hindi na lamang nakialam.

Sa kanyang opinyon, parehong naging emosyonal lamang ang magkabilang kampo noong panahong iyon kaya nauwi sa pagkakasamaan ng loob.

“They’re just emotional about the whole thing. There’s a lot behind it. There’s a lot behind what people are saying. I know the tension already. I know the background pero hindi naman ako makapagsalita because I’m not interested in dramas like that. Sabi ko nga, I try to stay away from that," pahayag ni Christopher De Leon.

Samantala, masaya namang ibinahagi kamakailan ni Matet De Leon na nagkaayos na sila ng kanyang ina. Ipinahayag din niya na ang kanyang ina mismo ang naunang mag-reach out sa kanya upang makipagbati.

Aminado naman siyang handa na rin siya kuntakin ang ina, naunahan lamang siya nito. Aminado din naman siya na nagkamali siya nang sabihing hindi na niya kakausapin pa ang ina dahil hindi pala niya kaya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo