Carla Abellana, Naghahanda na sa Kanyang Panibagong Role!

Biyernes, Enero 13, 2023

/ by Lovely


Naghahanda na ang aktres na si Carla Abellana sa kanyang panibagong role sa upcoming teleserye na Stolen Life.

Ibinahagi ni Carla sa kanyang Instagram account ang nakakatuwang video, kung saan makikita ang kanyang pagpa-practice ni Carla sa isa sa kanyang mga lines.

"Listen, Gen Z 📣 Practicing lang for a new role!" pahayag ni Carla sa caption.

Kamakailan lamang ay inilahad na kabilang si Carla sa isang kakaibang drama na handog ng GMA Afternoon Prime.

Ang Stolen Life ay ang kuwento tungkol sa babaeng "mananakawan" ng buhay dahil sa astral projection.

Sa nasabing teleserye gagampanan ni Carla ang role na Lucy. Makakasama niya rin dito sina Beauty Gonzalez at Gabby Concepcion na gaganap naman bilang Farrah at Darius.

Bukod sa Stolen Life ay inaabangan rin si Carla sa kanyang pagganap bilang Mary Ann Armstrong sa Voltes V: Legacy.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo