Anjo Yllana Umaming Hindi Pa Rin Sila Nagkakabati Ni Jomari Yllana!

Biyernes, Enero 13, 2023

/ by Lovely


Hindi pa rin nagkakabati ang magkapatid na sina Anjo Yllana at Jomari Yllana. Nagkaroon ng isyu sa pagitan nilang dalawa dahil sa naganap na eleksyon noong nakaraang taon.

Umatras si Anjo sa kanyang kandidatura sa 4th district ng Camarines Sur last May, 2022 elections dahil ibinulsa umano ni Jomari at ng girlfriend nitong si Abby Viduya ang kanyang campaign funds. Mariin naman itong tinanggi ng kampo ni Jomari Yllana.

Inamin ni Anjo na hindi pa rin sila nagkakabati kahit pa nagdaaan ang Pasko at Bagong Taon.

“We haven’t spoken for almost a year, hindi pa kami nag-uusap at meron kaming hindi pagkakaunawaan, to be honest. KUNG gusto niyang pumunta sa akin para makipag-usap open ako, hindi ako makikipag-away at handa akong makipagbati,” pahayag ni Jomari.

Inamin ni Anjo na hindi na umano siya ngayon galit sa kapatid, subalit totoong sumama ang kanyang loob sa dalawa.

Sa huli ay nagbigay siya ng mensage para sa kanyang kapatid.

“Basta ako, ang message ko lang kay Jomari, hindi ako galit, tapos na yun, nagalit ako sa kanya, oo. But ipinagdasal ko rin yun, napatawad ko na lahat ng nangyari. So yung emotions na masama, wala na sa akin yun.

“Kung gusto niyang pumunta sa akin, if he wants to talk to me, open ako. Hindi ako makikipag-away at handa akong makipagbati. Basta kayo ang makipagbati dahil mas matanda ako sa inyo, e,” pahayag pa ni Anjo.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo