Louise Delos Reyes Wapakels Sa Mga Bumabatikos Sa Pelikulang ‘Deleter’!

Biyernes, Enero 13, 2023

/ by Lovely


Agad na sinagot ng aktres na si Louise Delos Reyes ang ilang mga netizens na bumabatikos sa kanilang pelikulang Deleter.

May ilang mga netizens na duda kung paano nakuha ng pelikulang Deleter ang Best Picture Award sa naganap na Gabi ng Parangal para sa Metro Manila Film Festival 2022 noong December 27, 2022.

Isang malaking 'Kebs' ang isinagot ni Louise Delos Reyes na siyang ikinatawa naman ng mga kasamahan niyang co-actors ng pelikulang Deleter. Lalong-lalo na sina Jeffrey Hidalgo at lead actress na si Nadine Lustre.

“Kebs! Basta kami, proud lang kami sa movie namin at sa ginawa naming lahat. Hindi ko pinapansin ang nega comments at hindi ko rin sasagutin. Sobra lang akong nagulat sa result, overwhelmed,” buong pahayag ni Louise.

Matatandaang, hindi naka attend si Louise Delos Reyes noong Gabi ng Parangal, dahil nagbabakasyon sila noon ng kanyang nobyo sa Bali, Indonesia. Kaya naman labis niya ikinagulat ng mabasa sa social media ang paghakot ng maraming award ng kanilang pelikula.

Nauna na rito ang pagbabahagi ni Mikhail Red ang posibilidad na magkaroon ng part 2 ang Deleter na may parehong cast.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo