Kylie Padilla Naging Emosyunal sa Pag-uusap nila ng Kanyang mga Anak!

Biyernes, Enero 13, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang isang heartwarming conversation nila ng dalawa niyang anak na sina Alas at Axl.

Sa kanyang Instagram stories ibinahagi ni Kylie ang nagpaiyak sa kanyang usapan nila ng kanyang mga anak.

“Reminiscing convos with my babies last night. Alas plays As It Was by Harry Styles,” sulat ni Kylie.

“Alas: You like this song, mama?

Me: Yes, I love this song 

Alas: Does it make you happy, Mama? 

Me: You make me happy, baby. 

Alas: Miss kita pag nasa Batangas ako. 

Me: Miss kita pag nasa work ako. 

Alas: Di ka na mag work mama? Last na yun? 

Me: Kailangan mag work ni mama sweetie 

Axl: Tapos ka na mag work mama? 

Me: You boys make mama happy.”



Ibinahagi pa ni Kylie na nag-group hug sila matapos ang usaping ito.

Si Kylie Padilla ay isang artista na kilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon tulad ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasikat na seryeng ginawa niya ay ang Encantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang Sang'gre Amihan. 

Galing siya sa kilalang Padilla clan na kilala sa mundo ng showbiz. Kasal siya sa aktor na si Aljur Abrenica at mayroon silang dalawang anak — sina Alas Joaquin at Axl Romeo. Noong July 2021, kinumpirma ng aktres na hindi na sila ni Aljur.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo