Anji Salvacion Trying Hard sa Kanyang Happier Performance!

Biyernes, Enero 13, 2023

/ by Lovely


Mainit usap-usapan ngayon sa social media ang naging performance ni Anji Salvacion sa “It’s Showtime” nitong Miyerkules, January 11.

Binigyan ng sariling version ni Anji Salvacion ang awiting “Happier” ni Olivia Rodrigo. Tila marami ang napataas ang kilay dahil pilit umanong pinapasikat ang 20-year-old na singer ng ABS-CBN kahit hindi naman umano kagalingan.

May mga nagsasabi pang hindi nababagay sa boses niya ang kantang 'Happier' na sa pagpipilit niya ay nagiging trying hard na siya.

Bagama't maraming bumabatikos tila hindi naman apektado si Anji Salvacion at nagpasalamat pa sa mga blessings na kanyang natatanggap.

“Thank you for everything dear God. The year just started, yet you’re pouring your loving grace upon me and my family,” aniya.

Naunang nakilala si Anji Salvacion sa kanyang pagsali sa Idol Philippines, subalit hindi siya pinalad na manalo. Pumasok naman siya sa Bahay Ni Kuya at itinanghal na grand winner noong May 2022.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo