Ogie Diaz May Prangkang Payo Para Kay Paul Soriano!

Friday, January 13, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng sariling saloobin ang talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz hinggil sa naging pahayag ni Paul Soriano patungkol sa kanyang asawa na si Toni Gonzaga.

Nasabi noon ni Paul Soriano sa naganap na press con para sa pelikulang My Teacher na si Toni Gonzaga ay maitutturing na 'Most Powerful Celebrity' ngayon.

Sa kanilang latest Showbiz Update, muli nilang tinalakay ang pahayag na ito ni Paul Soriano. Inilabas nila ang kanilang sariling saloobin hinggil rito.

Nakarating umano sa kanila na marami ang hindi sumang-ayon sa naging pahayag na ito ni Paul Soriano lalong-lalo na ang mga bashers ng aktres-host.

"'Yung iba naman e sinasabi, hindi ako nagsabi nito ah. 'Yung iba naman sinasabi sana daw, hindi sinabi noong unang press con ni Paul Soriano yung mga katagang sa kanyang paniniwala, ang most powerful celebrity today ay si Toni Gonzaga," pasiunang pahayag ni Ogie Diaz.

Dagdag pa ni Ogie, "Sabi ng ibang friends natin sa industry na nakakausap ko din, sana daw nung una hindi na sinabi ni Paul 'yun. Pangalawa, sana daw inintay ni Paul Soriano na ibang tao na lang ang magsabi hindi siya bilang asawa. Pangatlo, habang nasa posisyon sila, habang sila 'yung may powers, dapat pinaiiral nila 'yung humility."

Naiintindihan naman umano ni Ogie Diaz kung sakaling nasabi ito ni Paul dala ng pagsuporta niya sa kanyang asawa. Subalit, hindi din umano maiiwasan na iba ang pagkakaintindi nito ng ibang tao.

Tila pinayuhan pa ito ni Ogie Diaz na palaging magpakumbaba sa lahat ng pagkakataon.

"Katulad niyan sinabi ni Paul na most powerful celebrity si Toni, siyempre yung mga tao naman patuutnayan nila na mali si Paul. Patutunayan namin na mali si Paul, may ganyan sila. Kasi, para maibalik natin yung mga paa niya sa lupa. At all times siguro no, lalo na nandun tayo sa posisyon sana pinaiiral din natin ang pagiging humble."

No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo