Zephanie Hindi Raw ‘Stable’ Sa Gma-7!

Huwebes, Enero 12, 2023

/ by Lovely

May napansin ang mga tagahanga ng singer na si Zephanie matapos ang paglipat nito sa GMA7.

Ilang taon matapos ang paglipat ng singer, napansin ng ilang mga fans nito na tila ba hindi ito masyadong bibigyan ng exposure.

Sa GMA Singers YouTube channel kung saan naka-upload ang naging guesting ni Zephanie sa “The Boobay and Tekla Show” ay marami sa mga supporters ng dalaga ang naglabas ng hinaing at sa kanilang napansin rito.

Sa nasabing video kinanta ng young singer ng “Amakabogera” na original na kanta ng Kapamilya star na si Maymay Entrata.

Kahit na maganda at magaling ang pagkakaawit ni Zephanie ay naghahangad pa rin ang kanyang mga fans ng mas maraming exposure ng dalaga sa TV na mababasa sa comment section ng video.

“Sad ako sa paglipat ni Zeph. Wala siyang segment sa AOS. Pinag-Queendom siya then inalis, Super Champion pawala-wala. She deserves to have a segment na matatag. Nakakahiya lumipat yung tao at pinili ang GMA pero nga nga pala opening lang sinasama palagi? Sana magkaroon siya ng sariling segment like young divas with Golden and Vianna. Nasasayang ang talent ni Zeph,” hinaing ng isang fan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo