Tiktok Star Bella Poarch, Nag-File Ng Divorce! Kasal Pala?

Lunes, Nobyembre 7, 2022

/ by Lovely


Ginulat ni Bella Poarch ang mga netizens sa kanyang mainit na pasabog kamakailan lamang. Isiniwalat ni Bella na naghain siya ng divorce sa kanyang asawa matapos ikinasal sa loob ng apat na taon.

Ayon sa kumakalat na balita, naghain ng divorve si Bella at nakapagdesisyon na tapusin na lamang ang kanilang pagsasama dahil sa 'irreconcilable differences'.

Ikinasal si Bella Poarch sa kanyang asawang si Tyler noong January 2019. Taong 2021 naman nang sumikat si Bella sa social media platform na TikTok at nakilala sa buong mundo.

Samantala, labis na nagulat ang mga netizens lalong-lalo na ang kanyang mga followers nang malamang ikinasal na pala ito noon. Hindi pa umano malalamang kasal na ito kung hindi pa naghain ng divorce.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo