Plan B National Costume Ni Herlene Budol Nakarating Na Sa Uganda!

Lunes, Nobyembre 7, 2022

/ by Lovely


Plan B National costume ni Herlene Nicole Budol para sa Miss Planet International 2022 nakarating na sa Uganda. 

Hindi man nakarating ng maayos sa Uganda ang National Costume ni Herlene, agad namang nakakuha ng Plan B si Wilbert Tolentino.

Samantala, masayang ibinalita ni Wilbert Tolentino na ligtas na nakarating sa Uganda ang Plan B NatCos ni Herlene. Kaya naman tuloy na tuloy na ang laban nito para itaas ang bandera ng Pilipinas sa Miss Planet 2022.

Matatandaang nauna nang naibahagi ni Herlene na nadisgrasya sa airlines ang kanyang National Costume. Hinati umano ito dahil oversize.

“Ang National Costume mukhang na disgrasya po ng Airlines. Pag dating ng Airport ayaw ipakarga kesyo over size daw. Then No Choice narin kami at hinayaan nalang namin chinopchop nila at binaklas buong box,” pagkukwento ni Herlene.

Dagdag pa niya, “Ang masaklap yung pinaka body ng costume hindi nakarating ng Uganda. buong araw na kami asa Airport at tinengga oras namin at pinangakuan kami na darating ng gabi, pero 2:30am na at wala na silang paramdam.”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo