Billy Crawford at Fauve Hautot, Pasok Sa Grand Finals Ng ‘Danse Avec Les Stars’ Sa France!

Lunes, Nobyembre 7, 2022

/ by Lovely


Pasok sina Billy Crawford at Fauve Hautot sa grand final para sa season 12 ng Danse Avec Les Stars. Dancing with the Stars ay isang pamusong dance competition sa France.

Una nilang sinayaw ang paso doble sa saliw ng tugtugin na 'Let’s Get It Started' ng Maneskin kung saan nakakuha sila ng 39 points. Ang kanilang pangalawang performance naman ay isang rumba kung saan sinayaw nila ang 'Chasing Cars' ng Snowpatrol. Nakakuha naman sila rito ng 35 points.

Sila ang nakakuha ng top scores sa dalawang performance na naging dahilan ng kanilang pagkakapasok sa final round.

Samantala, todo namana ng pagsusuporta ng asawa ni Billy na si Coleen. Nagbigay ito ng mensaheng, "cheering for you all the way! You’re gonna do great!"

Hindi nakapanood ng live si Coleen sa performances ng kanyang asawa dahil kailangan nitong umuwi sa Pinas dahil sa mahalagang dadaluhan na event.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo