Lolit Solis, Sinabing Lahat Ay Umaasa Sa 'Love Box' Ni Gretchen Barretto!

Martes, Nobyembre 15, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account na marami ang umaasa at nag-aabang sa ipapamigay na love boxes ni Gretchen Barretto ngayong pasko.

Matatandaang, noong nakaraang pasko ay namahagi si Gretchen Barretto ng mga love boxes para sa kanyang mga kasamahan sa industry.

Samantala, umaasa si Manay Lolit Solis na sana ay mabasa nina Gretchen Barreto at Ana Abriera ang mensahe ng Enpress ni Jun Nardo. Hiling nila na sana ay mag-sponsor sina Gretchen Barretto sa kanilang gagawing Christmas party.

Alam naman umano ni Manay Lolit Solis na hindi ito bibiguin ni Gretchen Barretto kaya masasabi niya maswerte ang Enpress. Pinayuhan din ni Manay na gumawa ng letter ang Speed at ipaabot kaby Gretchen.

Ibinahagi rin ni Manay Lolit na sigurado na ang kanyang love box dahil kinumpirma na umano ito sa kanya ni Ana nang dalawin siya nito sa kanyang dialysis session. 

Isiniwalat din ni Manay Lolit Solis na marami pang mga nagtatrabaho sa showbiz industry ang umaasa sa pa-'love boxes' ni Gretchen Barretto.

Matatandaang noong nakaraang pasko ay nakatanggap din ni 'love box' mula kay Gretchen si Lolit Solis.

( Hide )

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo