Maricel Soriano Binigyan Ng Leksyon Ang Lalaking Nambastos Kay Snooky Serna!

Martes, Nobyembre 15, 2022

/ by Lovely


Si Maricel Soriano ang naging guest sa Youtube channel ni Snooky Serna sa kanyang kamakailang vlog.

Tampok sa vlog ni Snooky ang mga flashback photos nila ng Diamond Star noong kabataan nila. Sa sunod-sunod na pagpapakita ng mga pictures naikwento ni Maricel ang minsang pambabastos kay Snooky ng isang lalaki.

Ayon kay Maricel, tinawag ng lalaki na parang isang aso si Snooky kaya naman tinuruan umano niya ito ng leksyon dahil sa kabastusan nito. Hindi naman umano natakot si Maricel sa kabila ng pagiging malaking mama nito.

“Sabi ko, ‘Wag mo kaming babastusin, ha! Naghahanapbuhay kami.’” pagkukwento ni Maricel Soriano.

Sinabi naman ni Snooky na matapos daragin ni Maricel ang mama ay nanahimik ito.

Si Maricel Soriano ay isa sa mga batikang aktres sa bansa na kilala sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan darating ang umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo