Lolit Solis Nakisawsaw Sa Isyu Nina Maggie Wilson at Victor Consunji!

Lunes, Nobyembre 14, 2022

/ by Lovely


 'Isang childish game', ito ang pananaw ni Manay Lolit Solis sa bardagulan online ng mag-asawang Maggie Wilson at Victor Consunji. Matapos ang palitan nila ng patama post sa isa't-isa.

“Nakakatawa naman balita mo Salve tungkol kay Maggie Wilson at Victor Consunji. Para silang mga bata na nagpo provoke ng away, kaloka. Ayaw nilang tumigil samantalang pareho naman silang adult na dapat maging maingat na sa pagsasalita,” pagbabahagi ni Manay Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Lunes.

Dagdag pa ni Manay na kung maghiwalay man ang mga ito ay sana hindi na sila magpaparinigan pa sa social media at maging magkaibigan na lamang.

“Si Maggie Wilson sweet pag kausap mo, si Victor Consunji very gentleman, kaya no more war, peace na lang sana. Mas bongga.”

Matatandaang nito lamang linggo ay nagbahagi si Maggie ng isang open letter para sa kanyang asawa na si Victor Consunji.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo