Donnalyn Bartolome, Nais Bayaran Ang Natanggap Na Mamahaling Relo Na Nagkakahalagang 1M pesos!

Lunes, Nobyembre 21, 2022

/ by Lovely


 Ibinahagi kamakailan ni Donnalyn Bartolome ang kanyang unboxing video ng mga regalong natanggap sa kanyang nagdaang kaarawan ilang buwan na ang nakakalilipas.

Ayon sa kanya minsan ay naiisip niyang hindi niya deserved ang natanggap na regalo, subalit very grateful pa rin siya. Samantala, may isang regalo na aniya'y hindi niya matatanggap dahil sa napakamahal nito.

Ang regalo mula sa kanyang ina na isang chanel watch na nagkakahalagang 1 million pesos.

Ang Chanel J12 watch ang kanyang dream  na sadyang ipinahanap niya sa kanyang ina ngunit nang malaman umano niya ang presyo nito ay agad na nagbago ang kanyang isip at sinabing kailangan pa niyang unahin ang pagkakaroon ng bahay.

Subalit binili pa rin ito ng kanyang ina, kaya naman pinag-iisipan ngayon ni Donna ang pagbabayad nito sa kanyang ina.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo